Multiply

Wednesday, August 26, 2009

jeepney drivers


they said that "basta driver, sweet lover"... pero bakit minsan kapag kulang ang bayad sa kanila madalas maniningil sila. isang araw pag-uwi ko galing ng school, kakatapos ko lang mag-exam sa foreign language tuwang tuwa ako kasi maaga akong makakauwi para makapag-internet sa mga computer shops. pero pagkasakay ko ng jip at pakabayad ko sa driver ng 8 pesos at sinabi ko estudyante po at sa muzon po ako bababasiningil nya ako ng 2 pesos kulang daw then sabi ko "kuya, muzon po yan, estudyante", tapos ang sabi pa nya sa akin, "eh, hanggang sm taytay ang otso ha", so, i have to be cool, ayokong makipag-away, ibinigay ko na lang ang dalawang piso para wala ng away tutal konting tulong na rin sa kanya yon hindi biro kasi ang trabaho ng isang jeepney driver kalaban mo ang puyat at ang pagod...pero minsan umaabuso na rin sila... madalas, kapag buo ang pera mo (e.g. 20), muzon hanggang sta. lucia, regular, hindi ka sinuklian, 16 pesos lang ang pamasahe mula muzon hanggang sta. lucia... alam natin mahirap ang trabaho nila pero sana wag nila tayong abusuhin... oo nga't kumikita sila ng pera at tayo din sana iniisip din nila na kumikita din tayo ng pera...